Ang SWAG Trading System [with bonus video]


Nakatawag ng pansin sa pagtatapos ng linggong ito na dumadami na ang gumagamit ng SWAG trading system ngunit maraming gago ang hindi umaamin, malamang ilan dito ay mga tanyag na mangangalakal na ayaw masira ang kanilang kredibilad, ngunit hindi na namin problema yun ang mahalaga marami ang kumikita, pati bashers sigurado kikita rin, dahil wala naman talaga silang kikitain sa pagbabash, anyway, hindi rin namin problema yun, ang mahalaga marami ang kumikita at nakikinabang sa SWAG at sana umasenso na ang Pilipinas! Yahoo! este Yehey! (tangna kahit basura ka aabangan ka ng SWAG).

Marami ang nagtatanong ano ba itong SWAG trading system? Gumagana ba talaga ‘to? Sino nagpasimula nito? Sa totoo lang matagal na ang SWAG hindi nga lang SWAG ang tawag ng iba rito, ito ay ginagamit ng iba’t-ibang automated trading systems sa mundo para makapasok or makalabas sa anumang merkado, sa dinami-dami ng puedeng i-trade sa iba’t-ibang merkado sa buong daigdig hindi kakayanin ng isang tao na bantayan ang bawat isa nito kaya nararapat lang na meron sistemang ginagamit.

Nagsimula ang SWAG trading system sa pagsasaliksik ni The Black Benz Trader para sa isang matibay at matatag na trading system na puedeng gamitin ng mga pangkaraniwang mangangalakal na hindi kalakihan ang puhunan sa merkado at limitado ang oras sa pagbabantay ng pagkilos ng mga presyo sa merkado at higit sa lahat ay ang hindi na umaasa pa sa kung anu-anong Lamig-Lunas (Kool-Aid). Sa ngayon halos lahat ng stocks na binanggit ko sa mga post ko dito ay sinapol na ng SWAG trading system.

Paano ba ginagamit ang SWAG Trading System? Kunin nating halimbawa ang Philex Mining ($PX) dito sa chart

PX by The Black Benz Trader

PX by The Black Benz Trader

Ayon kay The Black Benz Trader, napaka simple ng pag-gamit ng SWAG trading system, ito ay naging mas maliwanag sa kanya habang tinataga nya ang isang kodigo ng pangangalakal (while hacking a trading code). Sa dalawang linya lamang ng kodigo, nakita ni The Black Benz Trader na napakasimple lang ng sistema:


if SMA(20) crossover EMA(13) then enter;
if SMA(20) crossunder EMA(13) then exit;

Kung babalikan natin ang PX chart, malinaw na ang merkado ang sumusunod sa kodigo na tinaga ni The Black Benz Trader na kung saan na pag ang SMA(20) ay tumawid sa ibabaw ng EMA(13) ang presyo ay gumagalaw pataas, kung ang SMA(20) ay tumawid sa ilalim ng EMA (13) ang presyo ay gumagalaw pababa. Ito po ay natural na galaw ng merkado sa kahit anong panahon, kaya ang mga masugid na sumusunod sa SWAG system ay hindi naniniwala sa “Ghost month”, “Sell in May…whatever” at kung anu-ano pang guni-guni. Wala rin pakialam ang SWAG kung bull or bear market o kung nasan man na tayo sa Engot Wave este Elliot Wave, wala ring pakialam ang SWAG kung anong kabadingan ang meron sa 200MA, Potahcastic, MAS-POTAH-CA-DIN techniques atbp na nagpapatagal lang ng oras at aksaya ng pera sa pananaliksik. Ang SWAG ay hindi tumatangi (respector) ng guru, lahat ay pantay-pantay kung ano ang inihahayag ng SWAG yun ang kilos ng merkado.

Sa SWAG hindi na kailangan mag-isip, kailangan mo lang tignan sa chart kung papasok ka sa merkado o hindi, bahala ka na kung kailan mo gustong lumabas. Kung hindi ka kumikita sa SWAG malaki ang posibilidad na ginagamit mo ang sistema ng mali. Ano ba ibig sabihin ng SWAG? Sabi ni The Black Benz Trader; Simple, aWesome And Great. Dahil simple lang naman talaga, surebol lang, WALANG CAVEAT.

At ito na ang isang makapaghabag-damdamin (awesome) na video from the Black Benz Trader.

http://youtu.be/T-JZmU7z-8I?list=UU0gInJTECP4U82LHmxvw6gQ